"DEAR ANAK"
Simula nung nalaman kong ipinagbubuntis kita, sobrang tuwa ko, kahit ang papa mo sobrang saya dahil magiging tatay nadaw sya :)
Dumaan ang mga buwan, medyo nahihirapan ako sa pagbubuntis ko sayo anak, nandyan yung suka ako ng suka, lahat sa pang amoy ko mabaho, lahat sa panlasa ko masarap man o hindi, isinusuka ko. Pero okay lang anak.. Ikaw yun eh. Masaya ako na tuwing gabi hinahaplos-haplos kita, naiiyak ako sa tuwa habang kinakausap kita.. Dumating ang limang buwan, lumalaki kana, bumibigat nadin ako. Napag pasyahan namin ng papa mo na mag paultrasound kahit sobrang aga pa. Siguro excited nadin kung babae ka ba o lalaki.. Habang inuultrasound ako, sabi ng OB babae ka daw. Naluluha ako sa tuwa kahit nadin ang papa mo, kahit bata pa kaming naging mag-asawa, kitang-kita ko sa mukha nya ang tuwa ng makita ka nya kahit sa may screen lang, kahit malabo, kahit hindi pa sure kung babae ka o lalaki dahil sabi ng OB nakasiksik ka sa tagiliran ko at nagtatago. Pero ang sabi nya malaking tyansa na maging babae ka. :)
Lumipas pa ang ilang mga buwan ang laki laki mo na sa loob ng tyan ko, nahihirapan na nga akong magtrabaho eh kasi bumabagal nako at mabilis mapagod. Oo anak habang ipinagbubuntis kita, nagtatrabaho ako para nadin sayo pag lalabas kana..kaya kahit mahirap kinakaya ko padin..
Alam mo ba anak? Yung inaalagaan kong katawan ko nung dalaga ako wala na, tumataba na si mama pero okay lang anak, lagi ka kasi gutom sa loob ng tyan ko eh.. At yung mukha kong inaalagaan, wala nadin anak nagbago na itsura ko, okay lang yun andyan ka naman eh. Pati nadin yung kinis ng kutis ko, yung dibdib ko laylay na, yung pwet ko sobrang baba na, inaamin ko anak nag iba na itsura ko pero hindi ko ito sinusumbat sayo ha? Gusto ko lang malaman mo na kahit mawala na ang kagandahan ng katawam at mukha ko. Ayos lang kasi ikaw ang kapalit sobrang tuwa nako nun. :)
Tumagal ang ilan pang buwan. Anak napupuyat si mama kase lage kang gutom kahit antok na antok si mama pipiliting tumayo at kumain dahil gutom ka, lagi nadin sumasakit tyan ni mama dahil lumalaki kana at sumisiksik kung saan-saan pero masaya ako kasi malapit ka ng lumabas :)
Pero isang araw nagkasakit ako anak, isinugod ako sa ospital, alam mo ba anak? Ang dami-daming gamot ang itinuturok sakin, takot na takot ako nun, dahil ang sakit-sakit. Pero inisip ko para sayo naman eh. Kaya kinaya ko lahat.. Ayun naging okay na tayo salamat sa Diyos. Ang dami nagtatanong sakin kung hindi daw ba ako kinakabahang manganak dahil malapit na ang paglabas mo. Alam sa totoo lang anak? Diko alam isasagot ko kase diko pa naman nararanasan eh.. Basta ang nasa isip ko, mailabas ka ng normal at walang sakit. :)
Dumating ang araw na manganganak nako.. Ang sakit sakit sa pakiramdam, masakit sa likod, sa balakang, hindi mo alam kubg pano ito mawala. Halos mamatay nako sa sakit anak pero tiniis ko yun, nilakasn ko ang loob ko at inisip ko na lalabas kana at makikita na kita. At sa wakas! Lumabas ka na nga! Babae ka! May prinsesa na kmi:) hindi ko na ininda ang sakit na nararamdaman ko dahil nakita na kita, nanay nako. Nanay na talaga ako! :)
Tumagal ang ilang buwan, puyat ako sa iyo tuwing umiiyak ka sa gabi pero okay lang, tuwing nakikita kita, natutuwa ako.. :)
Lumipas ang araw, taon lumalaki kana at nag aaral, nagtrabaho ako ng mabuti para lang mabigay lahat ng gusto pero bakit ganun anak? Bakit bigla mokong nilabanan? Nag aalala lang naman ako sayo kasi paminsan minsan kanalang umuwi ng bahay, hindi ko alam kung san ka nakikituloy habang andito ako na nanay mo hinihintay ka sa sarili nating bahay. Ilang beses mo nakong sinasabihan ng masasakit.
Kesyo wala akong pakialam, sabi mo buhay mo yan. At alam mo kung ano pinakamasakit na nadining ko sayo? ""IPINANGANAK MO LANG AKO! SANA DI NALANG IKAW NAGING NANAY KO..!!""
Ang sakit, ang sakit sakit kasi pagkatapoa lahat ng sakripisyo ko, pagkatapos lahat ng paghihirap ko simula ng ipinagbubuntis kita, ito lang pala ang sasabihin mo. Tanong ko lang anak, SAN BA KO NAGKULANG SAYO? :'(
Nanay