Sunday, November 27, 2016

2nd Chance

2nd Chance

"Minsan akala mo katapusan na ng lahat. Akala mo wala nang pag-asa.
Ako na magsasabi sa inyo, magtiwala lang at masisilayan mo rin ang liwanag.
Dali-dali akong bumaba ng jeep.
Patakbong lakad akong pumunta sa terminal para makasakay ng UV. Kinakabahan na ako. Medyo mahaba ang pila pero marami rin namang masasakayan.
Nakasakay ako ng UV at nagbayad. Nanlalamig ako habang nagdadasal na sana makaabot at walang traffic.
Dali-dali kong pinara ang UV kahit medyo maglalakad pa ako pauwi.
Malapit na ako sa bahay. Konti na lang. Pero hindi ko na kinaya talaga. Pagkarating ko sa harap ng bahay at binubuksan ko ang gate, NABIGLA AKO SA NANGYARI.
HINDI KO NA NAPIGILAN.
BUMIGAY NA.
BUTI NA LANG UTOT LANG!
Tumakbo ako papasok sa bahay at umabot naman ako sa CR."
BW
2013
Science

No comments:

Post a Comment