Sunday, November 27, 2016

"Pustiso"

"Pustiso"
High school ako nun at may super bff ako so fastforward ko na haha. May field trip kami that time syempre kasama si bestfriend kaya sumama ako. Last trip namin nun yung swimming, actually yun talaga pinaka inaantay ko alam kong dun ako pinaka mageenjoy.
Fastforward again, so ayun na nga nasa resort na kami nun naglalanguyan na kami that time. Eto na, Sabay kami sumisid nun tapos nagkauntugan kami sa ilalim syempre ahon agad kami pareho kasi may impact yung untugan namin medyo masakit sya, pag ahon namin nagtaka ako yung dalawang kamay nya nakatakip sa bibig nya tapos para syang iiyak natakot ako nun akala ko nasaktan ko sya ng sobra niyakap ko sya agad bahagya tapos nagsorry ako bigla syang bumulong sakin... "Yung pustiso ko nalaglag." Shettttt! Alam ko namang nakapustiso sya since nung naging magbff kami.
So Ayun na nga naubos yung oras namin sa pool kakakapa kakahanap ng pustiso nya huhuhu! Kaso di pa din namin nakita 😢
Nung pauwi na kami , gulat ko at hindi sya tumabi sakin sa bus, tapos sinusulyapan ko sya. Kitang kita ko talaga sa muka nya sobrang lungkot nya tapos tulala pa sya, minsan buong byahe pauwi di manlang ako kinausap 😢 Naisip ko, sana wala nalang swimming na naganap o kaya sana nanood nalang ako di nalang ako lumangoy. Nakakaguilt talaga eh.
Kaya pag baba namin sa bus naisip ko ibigay nalang sa kanya yung isang box ng buko pie na binili ko ayun kinuha naman nya sabay akap sakin sabi nya ok na daw tapos ngumiti sya sakin kaso tae i kennat di ako sanay na wala syang pustiso kaya natawa talaga ako hahahahaha ayun nagalit ulit binalik yung buko pie ko hahahahaha. After naman nun mga 1week lang back to normal na ulit kami hahahaha tsaka may pustiso na ulit sya. 😊😊😊

She she
Others
Others

No comments:

Post a Comment